My Manila Week (part 2)
Citibank Makati – And for the third time, bumalik ako ng Citibank Makati, bearing in mind all the things I asked the other day. Dumating ako dun ng mga 9:30am. That time, nanibago ako dahil dati-rati, kapag mga 8:30am, sobrang siksikan sa MRT. Pero nung sumakay ako, maluwag pa. Kaya nakarating ako sa MRT Ayala ng hindi nagugusot ang damit ko at walang bahid-pawis. Hahaha. Sa Citibank Makati, nakapasok na ako, then nakapila at umabot na sa teller window. I’m waiting her to tell something na medyo kaaasaran ko pero thank God, nakuha ko din ang inaasam na last pay in cold cash.
Ating – Since nasa Citibank Makati na ako, I called Ating. She’s working in a company located on the same building. She is Mark’s GG (God’s Gift). Ang sabi ko, bumaba sya dahil nasa baba ako. Talagang hindi pa naniwala. Hahaha. Sabi ko, kain kami sa Greenwhich. So Nakakain ako ng lasagna at pizza supreme. Ayos! Ating and I talked about things happening in her life, sa kanila ni Mark, sa SFC Bacood. Mukhang hindi pa informed about the Friday gimik kaya ako na mismo nagsabi. Nagdalawang-isip pa sya at si Mark because of Bro. Thox. Hehehe.
Manila CI Team – After meeting Ating, I went to GT Tower. Ngayon ang lunch out ng Manila CI with me and with Gilda. Si Gilda kasi, umuwi din pero nauna ako sa kanya dumating ng Manila. We were supposed to eat sa isang japanese resto along Ayala, in front of GT Tower pero the reservation was already cancelled kasi late na dumating. Kaya we have to find a place where we can eat. Finally, we found something that is too far from GT Tower. Nakakamiss din etong mga eto. First team ko kasi sila sa Accenture. Sayang Liza was not there.
Books – After having lunch with the Manila CI Team, I went to Glorietta because I wanted to visit that mall too. Lusutan ko kasi iyon kapag naglalakad ako from office building to Ayala Station. Walang pinagbago, same stores, same food chains, same music alleys. Since I’m also on my way to SM Mall of Asia because I want to treat my family dun, naglakad na ako papuntang SM Makati. Before the escalator, I saw the National Bookstore at naisip ko lang na tumingin ng Didache ni Bo Sanchez. Bad trip, sold out. Kaya naghanap ako ng iba sa section ng mga inspirational books. I saw “It’s not about me” and the title caught my attention. Kinuha ko sya. The second one, I saw “The early bird catches the word, but the second mouse gets the cheese.” Kinda funny and inspirational one kaya kinuha ko din. Nung nasa counter na ako, naalala ko ung book na sinabi ni Mark. So I asked kung merong “Five people you meet and heaven”. Buti naman meron. And I did paid for all of those books. Hindi naman talaga ako mahilig magbasa noon. Puro computer books lang ang gusto kong basahin. I bought “Purpose Driven Life” pero chapter 1 lang natapos ko. Mark also lend me “I kissed dating goodbye” pero hindi ko din tinapos dahil medyo di sa akin ok ung approach nung witer (not the topic).
Nahikayat lang talaga ako ni Mark.
SM Mall of Asia – I took MRT again papuntang SM Mall of Asia. I alighted at MRT Taft at medyo namiss ko din etong place na eto dahil when I used to work for AstraZeneca sa Bicutan, dito ako bumababa. Matagal-tagal ko ding natitigan ung place, same bars, same stores, same dirty city (hehehe). Then I took a jeep papuntang mall of asia. Medyo familiar sa akin ang design ng mall. Same style ng katulad ng ginawa nila with SM Baguio. Hindi na conventional sm mall. Malaki nga sya. Hindi maipagkakaila. Pero natuon ang pansin ko sa Go Donuts. Hahaha. Miss ko na to! I waited there, eating the nostalgic cinnamon and choco donuts with matching choco frap. While waiting, I started reading “five people you meet in heaven”. After an hour, dumating na ang late kong pamilya. Nyahaha. Mom came with ate and my 2 pamangkins. Tapos nun we went dun sa sinehan. Iba pala patakaran nila sa Mall of Asia, kapag nagsimula na ang sine, hindi na pwedeng pumasok. Kaya ang ginawa ko na lang, pumikit ako at kung ano ung direction na makikita ko, dun kami pupunta. Jackpot! Pagdilat ko, una kong nakita, "Ice Skating Rink". Kaya nag-ice skating kami.All of us went to the rink, kahit ung mommy ko na nung una e ayaw pa. More or less, we're there for an hour or 2. Enjoy ciempre kasi sa tingin ko, first time mag-ice skating ng mommy ko at ng mga pamangkin ko. Ate's eldest, Virgini, was able to learn how to do the basic skating, first try pa lang. After that, kumain kami sa most-famous-manalo-kids-hang-out McDonalds.
PUPILS' Redbox – Kailangan kong humiwalay kina mommy kasi meron naman akong lakad with tropa, ang PUPILS. Nung pumunta ako doon, hindi pa nga sila kumpleto. Same old people pa din talaga, laging late. Mark, ating and jopacs were already there. Sa Powerbooks kasi ang meeting place. After that, the rest arrived. All in all, 11 lang ang nagpunta. Hindi kumpleto, wala ung iba na madalas ding kasama noon kapag merong gimik ang tropa. Wala pa din silang pinagbago, makukulit pa din, mga pasaway pa din, mga kengkoy pa din, lakas hirit pa din, asaran pa din. So nagdecide ako sa Redbox na lang dahil alam ko namang sabik na ang bawat isa na marinig ang boses ni Vega. Nyahaha. Di yata ako natigil sa kakatawa maliban lang kung kakain. SISIG! Wala nyan sa Singapore. Kung tutuusin nga, sa ugali, sa pananamit, sa kilos, mga walang pinagbago. Ang nagbago lang, ung mga status na nila sa buhay. Si kelly, meron ng mitsubishi na kotse, si kuya benjie di na long hair, si Marcq at ung banda nya nakapasok sa semis ng Muziklaban. Tumataas na ang estado ng bawat isa sa amin pero ang gusto ko talaga sa kanila, kahit anong mangyari, hindi nagbabago ang ugali - makulit noon, makulit ngayon, pasaway noon, pasaway pa din ngayon. Midnight na nang umuwi kami. Jhane and I took a cab since iisang way lang naman kami. Sa novaliches sya nakatira. Namiss ko un, mga open up sessions ng bawat isa kapag pauwi na.
Saturday (August 12, 2006)
Mico's Bike – I made a promise to Mico, ate's second child and my godson. He was his class' # 1 last school year that's why I told him that I will give him something as a reward. Nung nasa ospital sya, Mico asked me to buy a bike for him. Sabi ko pagaling muna sya, saka na ang bike pero naisip ko, un na lang ang ibili ko. Nakakaawa nga dahil hindi din sya nakasama sa out-of-town namin. Kaya pagkagising ko, pinagbihis ko ung ate nya at sya without telling them kung saan kami pupunta at kung anong gagawin. Pumunta kami ng SM North Edsa dahil un lang ang naisip ko na pwedeng bilihan ng bike. When we went there, I saw Mico smile. Tinanong ko sya kung anong gusto nyang bike. Gusto ko sana malaki pero ang gusto nya, tama lang para sa kanya (kasi sya naman ang sasakay at hindi ako, bakit ako ang pumipili ng size. hehehe). The bike was customized in front of him. Habang inaassemble ko un, I'm telling them to keep their grades up, kahit hindi top 1. Sabi ko, kahit top 10 lang, ok na yun, may reward na sila agad sa akin.Pagkatapos iassemble, sabik ung pamangkin ko to try it so kahit nasa SM pa lang kami, sinakyan na nya agad ung bike nya.
Pablikskul - Nagmamadali kaming umuwi ng mga pamangkin ko dahil merong jamming ang banda. Kaya pagkauwi ko, I grabbed a cab and then pumunta na ako sa usual place na pinagpapraktisan namin -- Noisecurb sa New York, Cubao. Nandun na si popot (drums) at Soc (guitar) with her girlfriend. Pumasok na kami ng studio, after a few minutes, dumating si Mark (lead guitar). Wala namang pinagbago sa kanya, lagi syang late. Then Erome (basst) came. Same line-up. Ang nagbago lang, ung tugtog. Sumasabit na madalas dahil for 8 months, walang practice ang mga mokong. Kailangan pang umuwi ako para magkaroon ng jamming. Namiss ko eto. Kulang nga lang kami ng isang fan, si Mae, girlfriend ni erome na nasa vietnam na ngayon. Namiss ko din si Jr, ung nagbabantay ng studio. Nyahaha. laging nagmimisscall ung mokong na un. After ng jamming, since hindi sila nakapunta sa redbox gimik, nagpakain na lang ako sa Max's. Naalala ko kasi, may pinabibili si Ate Weng na caramel bars kaya ok na din na dun na lang. Ganun pa din, mga jokes na kumupas at mga bagong pauso na mga jokes na tipong hindi pa makakahinga si popot. Ganun pa din si ating, hagikhik ng hagikhik sa tuwing may magpapatawa. Ganun pa din si Mark, puro plano na naman. Hay.
SFC Bacood - Gabi na din ng maghiwa-hiwalay kami ng mga bandmates ko (walang 'dati', bandmates ko pa din sila). Sumabay sa amin si popot kasi nagtaxi kami nila Mark at Ating. Papunta naman kami ngayon sa on-going CLP ng SFC chapter ko sa Manila. Kinuha muna namin ung mga instruments bago pumunta sa Fatima. Kami pa lang tao. Habang naghihintay for the participants and for the members, nirecord ko ung mga bagong songs ng SFC para sa kanila. Tinuro ko na din kay ating ung iba. Isa-isa ng nagdatingan ang mga members at participants. Nagugulat pa sila, bakit daw ako nandun. Hahaha. Ciempre service. Ate Ging was the speaker that time. Mahusay! Pwede ng speaker for larger audience. Hehehe. Namiss ko Music Ministry ng SFC Bacood. Kaya ung final song, ako na ang naggitara. Ayos! After ng CLP, nagpunta kami kina Tito Alex sa San Juan. Tiempo pa na birthday nya nung araw na iyon. Di din kami masyado nagtagal sa kanila dahil kailangan, before midnight, nasa bahay na si Ating. Hehehe.
Sunday (August 13, 2006)
4:30am – Aga-aga, kailangang gumising. Unlike my departure from Singapore to Manila, etong departure ko ang parang ayaw kong pagmulatan ng mata. Since wala naman kaming heater, as usual, dating gawi. Magsisisigaw na naman sa banyo habang nagbubuhos ng malamig na tubig. Umalis kami sa bahay ng mga 5am dahil akal ng mommy ko, 5am ang first mass sa OLPH church at sa Sto. Nino. Un pala, hindi. Kaya nagdecide na lang kami na dumiretso na lang sa airport.Immaculate Heart of Mary - On our way to Clark Airport, thank God may nadaanan kaming simbahan. So I took the 8am mass. First time kong magsimba doon so I asked for a wish - bless my family always (as always). After that, we headed for Diosdado Macapagal International Airport.
Bye, Manila - When we reached the airport, I checked-in the largest bag and brought my electric guitar and the bag that contains the amplifier as my hand carry. Bago ako pumunta sa immigration, lumabas pa muna ako to bid farewell sa mommy ko at sa mga pamangkin ko. I really hugged my mom really tight, as if I don't want to go back in Singapore. Naluha ako when I did it. I also hugged my 2 pamangkins who went with me. I turned my back and when my nephew and niece said goodbye, I refused to look back, I just waved my hand. Baka hindi ko kasi kayanin. Nung nasa loob na ako ng departure lobby, most of my friends texted me. I thanked them, PUPILS, banda, previous colleagues, lahat ng nameet ko during the course of my one week vacation. The longest was the one I sent for Mark. I'll be missing this buddy very much. 11:40am came, I boarded to the plane and the whole time na nasa ere ang eroplano, natutulog lang ako.
Post-manila vacation:
Hanggang ngayon, homesick pa din ako. Those things that happened within the span of one week are still on my head. Sa trabaho, ganun pa din, nakatunganga most of the times, clicking "Check Mail" button of Yahoo! Mail, talking to my online friends, loitering inside the M1 building, sleeping inside the bathroom, going home on time, talking to my laptop the whole night, thinking it's already october and december so I can see mom and my pamangkins again...
12 Comments:
Hi bro.. aliw ang kwento mo... buti ka pa nagala ng husto sa pinas kahit one week lang ang stay mo... ako nga 2 weeks sa pinas kaso di me nakagala kasi nagkasakit ako..harharhar... :) Akalain mo nga naman ang hitsura kong ito ay nagkakasakit din pala...hahaha... :)
Wag ka ng ma-homesick... hahaha... dati ako din nagkakanda-iyak dahil sa homesick pero ngayon wala na... sanay na... hahaha...
god Bless po...
hi almin,
bigla kong namiss ang manila ah..hay..ayun lang, kung pwede lang din akong lumipad na manila ngayon na..hehehe! nakakatuwa naman kasi walang tigil ang iyong paggala :) nway, maganda yung mga books na binili mo..ok din yung 'The Quest for Character', si Charles Swindoll yung author..yung purpose driven life na book, sana matapos mo sya :)
ingats po lagi..God bless..
-jho
@bro renie:
mukhang hindi ata ako tatagal d2 sa singapore ng isang taon. Hehehe. tingnan ko pa...
sali ka badminton pala bro... sinong household head mo? Yellow team o blue team? hehehe...
@jho:
wala nga ako masyadong tulog nun e.. laging late umuwi tapos maaga nagigising. hehehehe...
ung sa purpose driven life, nasa accenture pa ako nun jho. Alam mo naman, wala tayong personal life nun. Lunch break lang ata meron tayo nun. Hehehe.. Kaya ung Didache lang ang nababaso ko nun every lunch break... minsan pumapalya pa kasi tanghaling-tapat daming ginagawa. hahaha...
ung Tuesdays with Morrie, natapos ko na... Ung Five people you meet in Heaven, tapos ko na din.. Currently reading, The early bird catches the worm but the second mouse gets the cheese...
Ung sa sinabi mong Joshua Harris, baka di ko mababasa ung kasi parang self-help books un e. Un ang hindi ko pa natatry basahin. Ung I kissed dating goodbye, inayawan ko. kahit ung Boy meets girl. Hindi sa ayaw ko ung topics nya, ok ung topics nya pero parang ayaw ko lang how he explains things without experiencing most of it. "Preach if you were in that shoes" ika nga.. hehehe... ewan...
Atsaka ngayon lang ako nagbabasa ng mga ganyan.. Kung tutuusin, nagbabasa ako ng libro pero puro computer books.. hehehe... ngayon lang ako nakakatapos ng mga inspirational books...
hello bro.. naku po wag munang umuwi... hahaha... mawawalan na kami ng gifted na guitarista... :) Sa simula lang ang homesick kapatid, wag ka masyadong mag-stay sa bahay... try to make yourself busy... hindi mo mamalayan ilang taon ka na dito... :) last year ganyan din ang feeling ko akala ko uuwi na din ako pero tingnan mo higit isang taon na din ako... hehehe... :)
Fight the Good Fight of Faith... :)
hi almin,
wala bang buhay sa accenture? hehehe!
ambilis mo magbasa :) basta pag me time ka lang, read joshua harris' books, ganun yung impressions sa mga books nya pero maganda po ang mga yon :) pero ikaw pa rin ang bahala :) saka yung purpose driven life sana matapos mo rin :)
basta, pakabait ka lagi! sana minsan marinig kita tumugtog :) ingats po..God bless..
-jho
KAPATID!!!! :) shucks... sayang talaga di ako nakapunta sa lunch nun. Di ko tuloy nakita ang kasama ko sa PBB house na si Christian Vasquez! Naks! Hehe! Grabe nagkasabay-sabay kasi ang mga lakad ko nun, alam mo naman medyo hectic ang sked! haha.. Seriously hay sayang nga eh noh.. namimiss ko na kayo ni Gilda. Ikaw lalo ang tagal na din kita last nakita! It's always nice to read your thoughts here. I hope you're doing great there. Di bale kapatid next time, next time :) i will see you guys. Ingat ka lagi kapatid. God bless you! :)
kapatid! akala ko nga susunod ka nun.. meron akong nalaman tungkol sa iyo ha... astig yan.. hehehe.. mukhang mabunga na naman ang ating linyang "love is in the air..." hehehe... kwentuhan mo ako...
miss ko na kayo.. tagal ko na kayo hindi nakikita kaya nga dumalaw ako sa accenture kahit saglit lang...
next time, wag ka na mawawala... ayos? God bless, kapatid!
Yes kapatid, love is in the air :) hihihi.. oo naalala ko yun dati ah! Sayo ba meron na din? Alam mo naman tayo halos sabay lagi hahahaha... kwentuhan tayo! :)
Haha.. This time, kapatid, hindi. Hehehe.. Pero I'm currently looking and eyeing for a girlfriend. Hopefully isa sa mga natitipuan ko dito. Hahaha...
We'll get there.. hehehe
Hopefully pala, AVAILABLE pa.. hehehe... these past few months kasi, lahat ng natitipuan ko, may boyfriend na... sayang.. hehehe
Cge next time, kwentuhan ulit... Thanks!
tol, just browsing your page...
yung talagang comment ko after ko na lang basahin ng husto, an2k nko eh... bka tom na lang siguro.... xa nga pla... miss kna nmin... the time we spent nung umuwi ka will always be part of all of us.... nag-enjoy talaga ako na makitang sama sama ang lahat at nagkakatuwaan.... sayang nga at namiss ko din nun ng husto si may... haay... kelan kya ulit tayo magkikitakita... ingats palagi....God bless!!!! oist.... mukhang iiwan nko ni mark ah... 22o na yta yung plan nya to go there... wish him the best... sna jan na nga niya makita yung nihahanap nya re: work..nightynight... este morning pla!!!!
Post a Comment
<< Home